Lunes, Pebrero 27, 2012

Buti ang batik mas nakakakuha ng pansin.

Sa isang puting tela, ang kapiranggot na mantsa-
Sa makinis na papel, maliit na marka ng tinta-
Sa malinis na dingding, kapiranggot na kulangot-
Sa makinis na mukha, butlig na tighiyawat-
Sa mataas na marka, mali ang nakikita-
Sa magandang katauhan, pangit ang puna-

Mga tao nga naman. Kung ano pa ang maliit na batik, ayun pa ang mas napapansin-
Ayun ang mas nakakapgbgay ng malaking epekto.

Sabi nga sa prinsipyong yin-yang, dapat laging balanse. Ngunit sa kahit anung balanse mo, parati't laging may batik na magmamarka sa pagiging imperpekto nito. Hindi na mababago yun. Wala namang perpekto. Ngunit bakit,sa tuwng pagmamasdan at kikilatis tayo ng kahit anumang bagay, lugar, tao o pangyayari o kung anupa, lagi na lamang yung maliit na batik/dumi/mantsa/mali na yun ang siyang binibigyang halaga?

Paano na yung natitira? Echapwera!

Sa isang puting tela, 95% nito na ang maputi,mabango,malambot,kaaya-aya. Ang natirang 5% sa telang iyon ay namantsahan ng putik. Sa unang pagtingin, di mapapansin. Ngunit pagtapos suriin ang mantsa sa tela, tila ba nagbabaliktad ang katotohanan. Doon na lamanh tinuon ang pansin, nalimutang may 95% pa na maganda.

Sa isang tao, kahit anu pa ang kabutihan o kagalingang ipakita at ipamals niya, sa una papalakpakan siya at pupurihin, ngunit, hindi maaaring lumipas ang kalahating oras na hindi pupunahin ang batik sa kanyang pagkatao. kalilimutan ang maganda sa kanya, babatikusin at pupunahin ang pangit na katauhan niya.

Sa isang relasyon na napuno ng saya at pagmamahalan. habang nasa ilalim ka pa ng mahika neto, nabubulag ka sa nararamdamn mo. Ngunit pagkamulat mo, natapos kayo, ang masasayang pinagdaan ay ibabaon sa limot (minsan pa nga'y itinatanggi) at yung pangit at masakit na ala-ala, yun pa ang babaunin.

Sa buhay, maraming biyaya pero pag dumating ang problema, wala na agad pag-asa.

Mga tao nga naman. Tayo nga naman! Kailan ba natin matutunan na magpahalaga sa mga bagay na karapat-dapat naman talgang pinahahalgahan. Kailan tayo matututo na pumuri at hindi kumutya? Kailan tayo matututo na pumalakpak nang hindi umubulong na pangit na salita? Kailan tayo titingin ng may pagtanggap at hindi paninira?

Sus. Ewan.

May kanya-kanya tayong batik na taglay, nakikita at napupuna... Sa aking palagay, isang malaking pagtanggap ang kailangan. Pagbabago kung kinakailangan. Ngunit ang pinakamahalaga,

HUWAG TAYONG MANINGKIT TUWING MAY MAPAPANSING MABUTI, IMULAT PA NATIN LALO ANG MGA MATA, AT MATUTONG MAGPAHALAGA.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento