Huwebes, Pebrero 16, 2012

Pagpapaulan



Dalawang batang magka-akbay 
sa silong malaking salakot
walang takot sa ambon- ulan
o sa mangkuk- mangkok na butas sa daan.
Maaari ngang sa buwan napagmasdan
itong pangitaing hindi taga-mundo
kambal- sa -tainga, apat ang mata
dalawa ang ulo, apat ang paa—
Ngunit, mahirap mapagkamalan
ang pilyong hagikhikan ng mga bata
at ang marahang suray-kembot nilang
hiniram sa pusang nagdadalang- kuting.
Sa katuwaan ko’y hindi na napansin
ang iniingatang sapin nitong katawang sakitin
hinyaan na lamang ang mga patak
unti- unting sumisinsin, bumibigat…
Basa nga pala akong 
ipinanganak sa mundo
at sa hapong ito
Iniluwal muli ako!
image
Ngayo’y itim na itim ang mga puso
tila basang uling ang katawan
at iunti- unti ang mga dahon
bagong usbong nang sila’y madatnan.
Sa pag- uwi’y hindi agad matutuyo
ang tumutulong katawan
Ngayon lamang ako nabasa ng ulan…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento