Miyerkules, Pebrero 29, 2012

Paano nga ba magalit?

Sa labing-anim na taon kong binuhay sa mundo, may isang bagay ang hindi ko pa rin mabigyan ng kahulugan.

Ano ba ang ibigsabihin ng GALIT?


HIndi ako naghuhugas kamay sa mga sandaling ito. Pero ayon sa pagkakaalam ko at pagkakatanda ko, hindi ko pa naranasang magalit ng may pakiramdam na galit at naghahayag ng galit sa aking kinagagalitang tao.

Sige nga, bigyan muna natin ng depinisyon ang salitang ito.

Ano nga ba?

Marami na ring nagsasabi sa akin, na kaya ako nabastos, nabubully, dino-down ng karamihan, inaasar, kinukutya, inaapi ay dahil una sa lahat, hindi ako marunong magalit. Hindi ko alam kung totoo ba itong komentong ito. Kaya daw ako hindi siniseryoso ay dahil sa palaging hindi ako naggalit kahit na sumosobra na ang ginagawa sa akin. Ewan.

Nalulungkot ako sa totoo lang sa mga pangyayari na hindi ako sineseryoso. kaya nga minsan, sinusubukan kong magalit, sumigaw, magmura, mangutya din, pero palaging palpak, palagi akong natatawa sa sarili ko. kaya ayun, hindi na nman sineryoso. Sinusubukan kong lumaban, pero.... Sinusubkan kong manakit, pero...
Sinusubukan kong magtampo, pero.... Sinusubukan kong magalit, pero...

In the first place, hindi ko nga alam kung dapat nga ba ako magalit.
Ano ba ang galit?
Paano ba magalit?

Nagagalit na ata ako sa sarili ko. Lintik.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento